Tinanggal na sa pwesto ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang district engineer ng DPWH Camarines Sur 1st District Engineering Office.

Ito ay matapos ang aksidenteng naganap sa Brgy. Magais, Del Gallego dahil sa kakulangan umano ng road safety warning signs at traffic safety devices sa ginagawang bahagi ng kalsada sa lugar.

Sa isang panayam sa media, sinabi ni Dizon na pinalitan na ang nasabing district engineer epektibo kahapon, araw ng Miyerkules.

Aniya, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang mga opisyal ng DPWH at mga kontraktor na mapatutunayang nagpabaya sa kanilang tungkulin.

Kasabay nito, nagbabala ang Kalihim sa mga tauhan ng DPWH at mga contractor nito na tiyaking nasusunod ang lahat ng road safety standards at maayos ang pagpapatupad ng mga proyekto upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng mga motorista, komyuter, at iba pang road users.

-- ADVERTISEMENT --