
Umamin si DPWH Engineer John Carlo Rivera sa korte ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Martes, June 2 na alam niyang ilegal ang ipinag uutos sa kaniya ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara kaugnay ng maanomalyang flood control project sa Bulacan pero sinusunod niya pa rin umano ito sa pag asang mapo-promote siya sa trabaho.
Kwento sa korte ni Rivera, nagsimula siyang magtrabaho sa Department of Public Works and Highways noong 2017 sa ilalim ng opisina ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara kung kaya’t lahat ng ipinag uutos nito ay sinusunod niya.
Simula sa pag aasikaso ng listahan ng mga proyekto, pagkontak sa mga contractors, pagtanggap ng commitment o cash in advance na nagkakahalaga ng mahigit P10 Million, hanggang sa paghahatid ng nasabing pera sa tanggapan ni Alcantara.
Inamin din ni Rivera na nakakatanggap siya ng P10-K buwan-buwan mula kay Alcangara kapalit ng lahat ng iligal na ginagawa niya.
Samantala, tapos naman na nitong Marso ang ompagkakasuspinde ni Rivera pero hanggang ngayon ay wala pa umano siyang natatanggap na Memorandum oata sa pagbabalik niya sa opisina.
Gayunpaman, pinagpaplanuhan niya na umanong mag resign sa nasabing departamento.










