TUGUEGARAO CITY-Naglatag ng 16 na stationS ang Department of Public Works and Highways (DPWH)Region 2 na magbabantay sa mga lansangan sa kasabay sa paggunita ng araw ng mga patay.

Ayon kay Wilson Valdez ng DPWH Region 2, pinaigting ng kanilang ahensiya ang programang “lakbay alalay” para masiguro ang kaligtasan ng mga byahero.

Aniya, nakabantay ang mga kanilang mga tauhan sa mga critical areas para mas madaling makapagresponde sa mga hindi inaasahang aksidente sa daan.

Pinaalalahanan naman ni Valdez ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho at huwag makikipagkererahan para maiwasan ang anumang aksidente.

-- ADVERTISEMENT --