
Napamura si Public Works Secretary Vince Dizon matapos makita ang mga uka o potholes sa bahagi ng nirehabilitate na EDSA sa Buendia Southbound nitong Sabado ng gabi.
Ayon kay Dizon, dulot ito ng naiipong tubig sa dedicated bus lane dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Iniutos na ni Dizon ang paglalagay ng mga gaps sa pagitan ng mga barriers para magkaroon ng daanan ang tubig-ulan at hindi ito maipon sa bus lane.
Agad namang aayusin ng contractor ang mga potholes, at ayon sa DPWH, walang gagastusing pondo ng gobyerno para sa repair.
-- ADVERTISEMENT --










