Binigyang pagkilala ng Department of Social Welfare and Development ang mga lokal na pamahalaan sa apat na lalawigan sa rehiyon dos dahil sa pagtalima sa kanilang mga tungkulin sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pinangunahan ni Regional Director Lucy Alan ang pagbibigay parangal sa 53 LGU mula sa Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya matapos umabot sa pinakamataas na level 3 ang functionality ng kanilang pagseserbisyo sa mga nangangailangang pamilya.

Kabilang na rito ang tuloy tuloy na paggabay sa mga benepisaryo ng 4Ps at pagsiguro na nakakapag-aral ang kanilang mga anak at pagtutok sa kalusugan ng pamilyang kanilang nasasakupan.

Sa ganitong pamamaraan aniya ay natitiyak ng pamahalaan na ang mga benepisyaryo ng programa ay patuloy na nasusubaybayan, nalalaman ang kanilang mga pangangailangan at nasisiguro ang kanilang maunlad at magandang kinabukasan.

Umaasa si Alan na mas mapaigting pa lalo ang pagtutulungang ito ng ahensya at lokal na pamahalaan para sa iisang layunin na mapabuti ang pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --