
Binigyan ng Green Lane certification ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Board of Investments (BOI) ang 14 proyekto sa unang apat na buwan ng 2026, na may kabuuang halaga na P340.07 bilyon.
Ayon sa DTI, karamihan sa mga aprubadong proyekto ay mula sa sektor ng renewable energy, na bumubuo sa 85.71 porsyento ng kabuuang mga sertipikasyon.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng P339.09 bilyon at inaasahang lilikha ng 37,726 trabaho.
Sa kabuuan, inaasahang magbibigay ang 14 proyekto ng 37,828 trabaho.
Samantala, dalawang proyekto naman ang mula sa sektor ng food security, na may kabuuang halaga na P980 milyon, na kumakatawan sa 14.29 porsyento ng kabuuang approvals.
Ayon sa ahensya, layunin ng Green Lane certification na mapabilis ang proseso ng pamumuhunan sa mga prayoridad na sektor ng ekonomiya ng bansa.










