Sasabak si Filipina tennis star Alex Eala kontra Donna Vekic sa opening round ng 2026 Berlin Open, sa rematch ng kanilang unang laban noong Enero.

Nauna nang tinalo ni Eala si Vekic sa ASB Classic sa New Zealand, 4-6, 6-4, 6-4, sa isang three-set comeback win.

Galing sa mabigat na 2-6, 2-6 na pagkatalo kay Iva Jovic sa HSBC Championships, hangad ni Eala na makabawi at makausad sa susunod na round.

Si Vekic naman ay sasabak muna kontra Emma Raducanu bago ang kanilang muling paghaharap.

Kapag nagwagi si Eala, posibleng makabangga niya sa second round ang World No. 2 na si Elena Rybakina, na seeded No. 2 sa torneo at agad nang nakapasok sa susunod na yugto.

-- ADVERTISEMENT --