TUGUEGARAO CITY-Tinawanan lamang ni dating Senator Juan ponce Enrile ang kumakalat na balita na siya ay kritikal dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam kay Enrile, malusog at maayos ang kanyang kondisyon.

Ayon kay Enrile, maaring ang kanyang mga kalaban sa politika ang nagpakalat sa nasabing impormasyon dahil sa paghahangad na siya mamatay na.

Kaugnay nito, sinabi ng dating senador na hahayaan na lamang niya ang mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanya sapagkat wala naman umanong katotohanan.

Aniya, malusog at malakas pa siya sa kabila ng kanyang edad na 97.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Enrile