TUGUEGARAO CITY- Isasara na mamamyang 12:00nn ang entry at exit points sa Conner, Apayao.
Ginawa ni Mayor Martina Dangoy ang kautusan matapos na tatlo na ang confirmed positive case ng virus sa Cagayan.
Nakasaad sa memorandum order na lahat ng mga sasakyan ay hindi maaaring papasukin at lalabas sa quarantine checkpoints.
Ang mga sasakyan na may mahahalagang transaksion, mga sasakyan ng LGU na may approved travel at mga magdadala ng mga pagkain at mga gamot at iba pang essential supplies ang papayagan na makapasok at makalabas ng Conner na dadaan sa quarantine protocols.
-- ADVERTISEMENT --
Ang Apayao ay kalapit na probinsiya ng Cagayan.