Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magsumite ng kumpletong incident report kaugnay ng ipinatupad na Red Alert at Yellow Alert sa Luzon at Visayas grids.

Ayon sa ERC, nais nilang malaman ang sanhi ng kakulangan sa suplay ng kuryente at ang mga naging contingency sa grid system.

Kabilang din sa hinihinging detalye ang bilang ng generating units, transmission lines, at grid facilities na nagkaroon ng forced outages.

Pinapaliwanag din ng komisyon kung anu-anong hakbang ang isinagawa ng NGCP, kabilang ang load management at dispatch instructions upang mapanatili ang suplay ng kuryente.

Inatasan ang NGCP na isumite ang ulat hanggang Mayo 18, 2026.

-- ADVERTISEMENT --