Inanunsyo ng European Commission ang planong pagbabawal ng social media access sa mga menor de edad mula 15 pababa, upang mas palaganapin ang online safety.

Sa ilalim ng EU Kids Act, magkakaroon ng “gradual approach” sa mga menor de edad na gumagamit ng social media. Papayagan lamang ang mga edad 13-15 na magkaroon ng access sa social media platforms gamit ang mga “mini accounts” sa pamamagitan ng kanilang guardian.

Ayon pa sa European Commission, dapat patunayan ng social media companies na “safe by design” ang kanilang platform.
Aabot naman sa 6% ang magiging multa ng mga social media platform companies’ kung hindi sila susunod sa mga panuntunan.

Sa ilalim pa ng panukala, tanging 15 pataas lamang maaaring mag-set up ng kanilang social media accounts.

Kung ito ay maisasabatas ay maaapektuhan ang mga kilalang social media applications tulad ng Tiktok, Instagram, at Snapchat. Kabilang rin ang Youtube, AI chatbots, at online games. Kaugnay nito ay dapat magsubmit ang bawat social media companies’ ng detalyadong child safety plans.

-- ADVERTISEMENT --