
Pinasisipot ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bureau si dating Cong. Mike Defensor.
Sa June 10 pinahaharap ng NBI si Defensor sa kanilang tanggapan.
May kinalaman ito sa isyu ng panunuhol daw nito ng tig-P5M sa ‘18 ex-Marines.’
Pinasisipot din ng NBI sa kanilang tanggapan ang isa sa mga dating sundalo na kamag-anak ng nagdawit kay Defensor sa isyu ng suhulan.
Una nang itinanggi ni Defensor ang akusasyon laban sa kanya.
-- ADVERTISEMENT --










