Isinailalim sa police custody si dating House Speaker Martin Romualdez matapos dalhin sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan dahil sa iniulat na cardiovascular event, hindi matatag na blood pressure at anxiety attack.

Ayon kay Interior Secretary Juanito Victor “Jovic” Remulla, nagtungo sila ni PNP chief Police General Jose Melecio Nartatez sa ospital upang ihatid kay Romualdez ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan kaugnay ng P7.4-bilyong plunder case.

Sinabi ni Remulla na itinuturing nang person deprived of liberty si Romualdez matapos basahan ng kanyang mga karapatan.

Gayunman, mananatili muna siya sa ospital at araw-araw susuriin ng mga awtoridad ang kanyang kondisyon bago siya maiharap sa korte.

Samantala, sinabi ng kampo ni Romualdez na haharapin niya ang mga alegasyon laban sa kanya at iginiit ang karapatan niyang mabigyan ng patas na proseso sa ilalim ng batas.

-- ADVERTISEMENT --