Kumpirmado nang nakalabas na ng bansa ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang sa pamamagitan ng “backdoor,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye si Remulla hinggil sa eksaktong petsa at paraan ng pagtakas ni Ang dahil patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Hindi rin muna isiniwalat ng opisyal ang huling natukoy na kinaroroonan ng negosyante habang pinaghahanap pa rin ito ng batas.

Pinaghahanap si Ang dahil sa kaugnayan nito sa naiulat na pagdukot at pagpatay sa humigit-kumulang 34 na sabungero na diumano’y nangdayo sa mga sabong na nakakabit sa kanyang negosyo noong 2021 hanggang 2022.