Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkamatay ng isang Filipina matapos tamaan ng missile attack ang kanilang tirahan sa Haifa, Israel noong Abril 5, 2026.

Ayon sa DFA, nasawi rin sa insidente ang kanyang asawang Israeli at mga biyenan.

Nagpahayag ang ahensya ng matinding pakikiramay sa pamilya ng biktima.

Ipinabatid na ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang pangyayari sa pamilya at kasalukuyang nagbibigay ng tulong, kabilang ang pag-aayos ng agarang repatriation ng labi ng biktima sa kabila ng mahirap na sitwasyon sa biyahe sa rehiyon.

Nakikipag-ugnayan din ang DFA upang masuportahan ang pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati, habang hiniling ng mga kaanak ang pribadong pagluluksa.

-- ADVERTISEMENT --

Nakikiisa ang DFA at ang komunidad ng mga Pilipino sa panalangin para sa kapayapaan ng biktima at lakas ng kanyang pamilya.