Bukas na lang itutuloy, araw ng Martes matapos maantala ang laban sa finals ng DC Open sa pagitan nina Filipina tennis star Alex Eala at world No. 3 Jessica Pegula.

Ito ay dahil sa buhos ng malakas na ulan sa Washington, D.C.

Nagsimula ang laban nang hatinggabi oras sa Pilipinas ngunit agad itong nahinto matapos ang tatlong oras na delay dahil sa masamang panahon.

Sa unang set, nakuha ni Pegula ang panalo sa iskor na 6-4. Sa ikalawang set, nakalamang si Eala ng 2-1 bago muling ipatigil ang laro dahil sa patuloy na ulan at kidlat.

Mahalaga ang laban para kay Eala dahil ito ang kaniyang unang pagkakataon na makapasok sa WTA 500 final.

-- ADVERTISEMENT --

Umabot siya sa championship match matapos talunin ang apat na bigating kalaban kabilang ang defending champion Leylah Fernandez, world No. 10 Elina Svitolina, at four-time Grand Slam champion Naomi Osaka.

Para naman kay Pegula, ito ang pagkakataon na makuha ang kaniyang ikalawang DC Open title at ika-12 singles trophy sa career.

Ang delay ay nagdulot ng komplikasyon hindi lamang sa women’s final kundi pati na rin sa men’s final sa pagitan nina Taylor Fritz at Rafael Jodar.

Bukod dito, nagkaroon ng abala dahil kasabay na nagsimula ang Canadian Open kung saan inaasahang lalahok din ang mga finalist.