Humiling si Rodrigo Duterte sa International Criminal Court Appeals Chamber na payagan siyang hindi dumalo sa pagdinig sa Abril 22 kung saan ilalabas ang desisyon sa kanyang apela.

Sa dokumentong may petsang Abril 13, sinabi ni Duterte na siya ay kakatawanin ng kanyang abogado na si Nicholas Kaufman.

Ang pagdinig ay gaganapin sa The Hague, Netherlands, kung saan ilalabas ang desisyon kaugnay ng naunang ruling na tumanggi sa kanyang hamon laban sa hurisdiksyon ng ICC.

Matatandaang hindi rin dumalo si Duterte sa confirmation of charges hearing noong Pebrero, dahil hindi niya kinikilala ang kapangyarihan ng ICC sa kanyang kaso.

Nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga noong siya ay pangulo.

-- ADVERTISEMENT --