Iminungkahi ni House Ways and Means Committee chair Marikina City Rep. Miro Quimbo ang paglalagay ng government-led loan financing program para sa mga kumpanya ng langis upang makatulong sa pag-stabilize ng presyo ng petrolyo sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Quimbo, ang kasalukuyang “replacement cost” pricing ng mga oil firms ay maaaring makaapekto sa mga konsyumer, dahil minsan ay mas mahal na naibebenta ang stock kumpara sa presyong pagkabili nito noon.

Paliwanag ng Department of Energy, ang naturang sistema ay nakabatay sa average na presyo ng nakaraang linggo bilang basehan ng panibagong inventory cost.

Sinabi ni Quimbo na mas mainam ang pautang ng gobyerno sa oil companies kaysa price control, dahil makatutulong ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na supply habang inaayos ang presyo ng langis.

Plano rin ng House Ways and Means Committee na imbestigahan ang posibleng cartel-like behavior ng ilang oil companies kaugnay ng lingguhang paggalaw ng presyo ng langis.

-- ADVERTISEMENT --