
Target ng gobyerno na itaas sa 5% ang coco-methyl ester o CME blend sa diesel fuel sa susunod na taon, ayon sa Philippine Coconut Authority o PCA.
Sa kasalukuyan, nasa 3% ang biofuel blend sa diesel, ngunit sinabi ng PCA na may kakayahan ang mga lokal na producer na mag-supply ng hanggang 7% CME blend.
Ayon kay PCA Administrator at CEO Dexter Buted, isinusulong nila sa Department of Energy at pamahalaan ang 5% blend, ngunit nakadepende pa rin ito sa presyo ng CME at diesel.
Inaasahang tataas ang demand para sa coconut oil at copra kapag ipinatupad ang mas mataas na CME blend, na maaaring makatulong sa mga coconut farmer.
Gayunman, umaasa ang PCA na magiging mas matatag muna ang presyo ng diesel bago ipatupad ang 5% blend sa 2027 upang hindi maapektuhan ang mga consumer.





