
Idineklara ng Malakanyang na walang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ngayong Araw, Miyerkules Santo.
Sa anunsiyo ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ay work from home ang mga kawani ng gobyerno ngayong araw.
Pagsapit aniya ng 12:01 ng tanghali hanggang alas-5 ng hapon ay suspendido na ang trabaho ng mga kawani ng gobyerno para paghandaan ang Semana Santa lalo na ang mga bibiyahe sa mga lalawigan.
Dahil dito ay hindi na papasok sa mga opisina ang mga kawani ng gobyerno sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.
Ipinapaubaya naman ng Malakanyang sa mga pribadong tanggapan ang kanilang work arrangement.
-- ADVERTISEMENT --










