TUGUEGARAO CITY- Nagsasagawa na ng clearing operation ang mga otoridad sa nangyaring engkwentro sa Centro 1, Villa Cielo, Buguey, Cagayan kagabi.

Sinabi ni PCAPT Joel Labasan, hepe ng PNP Buguey sa kanilang paunang pagsisiyasat, may narinig umano na tatlong putok ng baril ang mga nakatalaga sa CAFGU detachment na mga miembro ng Marine Battalion Landing Team at mga CAFGU.

Dito na sumuno ang anim na sunod-sunod na putok ng baril kaya gumanti na rin ang mga tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni Labasan na tumagal ng 10 minuto ang labanan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, pinaniniwalaan ng tropa na mga miembro ng Henry Abraham Command ang nagsagawa ng pag-atake.

Matatandaan na pinaniniwalaan din na ang nasabing grupo na sumira sa ginagawang comfort room ng nasabing kampo kamakailan.

Samantala, sinabi ni Lt.Lloyd Orbeta ng 17th infantry Battalion na hindi engkwentro sa halip ay harrassment ang ginawa ng nasabing rebeldeng grupo.

Gayonman, sinabi ng opisyal na wala namang nasaktan sa tropa ng pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi ni Orbeta na itutuloy pa rin ang nasabing detachment sa kabila ng ginagawang harrassment ng umano’y rebeldeng grupo.

Sinabi niya na tugon ito ng kasundaluhan sa kahilingan umano ng mga mamamayan sa nasabing lugar upang mawakasan na ang pagre-recruit umano ng rebeldeng grupo.

ang tinig ni Lt.Orbeta