
Lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na 52% o tinatayang 14.5 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap sa unang quarter ng 2026, na mas mataas sa ng isang porsyento kumpara sa naitalang 51% noong November 2025.
Batay sa survey na isinagawa mula March 24 hanggang 31, pinakamataas ang self-rated poverty sa Visayas na nasa 66%, kasunod ang Mindanao na may 63%.
Sa kabuuang bilang ng mga mahihirap, 9.9 milyong pamilya ang itinuturing na “always poor” o kailanman ay hindi nakaranas guminhawa ang buhay
Ayon din sa SWS, mas mababa ang antas ng kahirapan sa mga pamilyang may overseas Filipino worker kumpara sa mga walang kamag-anak na nagtatrabaho abroad.










