
Tutol si Senadora Risa Hontiveros sa panukalang ibaba ang minimum age of criminal liability kasunod ng nangyaring school shooting sa Tacloban City.
Ayon kay Hontiveros, mas mainam na repasuhin at palakasin ang Juvenile Justice and Welfare Act upang mas maging epektibo ang intervention at diversion programs para sa mga batang nasasangkot sa krimen, kabilang ang mga sangkot sa mabibigat na kaso.
Kasunod ito ng panawagang amyendahan ang batas matapos ang pamamaril sa San Jose National High School noong Hunyo 22 na ikinasawi ng tatlong estudyante.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga batang 15 taong gulang pababa ay hindi maaaring managot sa kasong kriminal at isinasailalim lamang sa intervention program, habang ang mga edad 15 hanggang 18 ay maaari lamang managot kung mapapatunayang kumilos sila nang may discernment.










