Ipinagpaliban ng House of Representatives ang aksyon sa panukalang ₱19.49 bilyong budget ng Department of Information and Communications Technology o DICT para sa 2027.

Ayon sa DICT, ginawa ang deferment habang hinihintay ang resolusyon sa mga seryoso at matagal nang isyu na kinasasangkutan ng Meta, ang kumpanyang nagmamay-ari ng Facebook at iba pang social media platforms.

Kabilang sa tinukoy na problema ang online sexual abuse and exploitation of children o OSAEC at child sexual abuse and exploitation materials o CSAEM.

Binanggit din ng ahensya ang online illegal gambling, cyberbullying at iba pang panganib na sinabing nakaaapekto sa mga bata at kabataan.

Giit ng DICT, kailangang managot ang mga technology company at magpatupad ng epektibong safeguards, agarang mag-alis ng mapanganib na content, at makipagtulungan nang buong-buo sa mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --