
Binigyang-diin ni House Lead Prosecutor Gerville Luistro na hindi maaaring magkaroon ng dalawang pangulo ang Senado.
Sa gitna ito ng patuloy na girian sa pagitan nina Senator Alan Peter Cayetano at Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian sa usapin ng liderato.
Sa pulong balitaan, iginiit ni Luistro na hindi maaaring dalawa ang Senate secretary pati na ang clerk of court sa impeachment court.
Nababahala rin siya sa nangyayaring leadership crisis sa Mataas na Kapulungan habang papalapit ang pre-trial conference at ang trial proper.
Kasunod na rin ito ng panukala ng grupo ni Cayetano na magkaroon ng interim administration kung saan dalawang paksyon ang magpapatakbo sa Senado.
Ipinaliwanag ni Luistro na walang nakasaad sa Konstitusyon na interim administration.
Ipinunto pa ng kongresista na ang susundin ng labing-isang miyembro ng prosecution team ay ang posisyon ng liderato ng Kamara at ito ay ang liderato ni Gatchalian.
Dagdag niya, hindi ito kuwestyon kung sino ang Senate President at presiding officer, bagkus ito ay isang constitutiona duty kaya hindi dapat maantala ang impeachment trial.










