
Hinimok ni House prosecutor Rep. Terry Ridon si Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa kanyang impeachment trial sa Lunes.
Ayon kay Ridon, si Duterte mismo—hindi ang kanyang mga abogado—ang dapat magpaliwanag sa mga akusasyon laban sa kanya, kabilang ang isyu ng umano’y anomalya at banta na “bloodbath” sa pagdinig.
Gayunman, nilinaw ng prosekusyon na nasa desisyon pa rin ng Bise Presidente kung dadalo siya, ngunit mas mainam umano kung personal siyang haharap bilang paggalang sa Senado bilang impeachment court.
Samantala, sinabi ni House prosecution spokesperson Benjamin Tolosa Jr. na handa nilang patunayan ang kanilang mga alegasyon at tututulan ang anumang hakbang na maglalayong pigilan ang pag-usad ng impeachment trial.










