Ipepresenta na ngayong araw ng prosecution panel sa harap ng impeachment court ang Article 2 o di umano’y unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte.

Bago ito, matatandaang natapos na ng naturang panel ang pagtalakay sa Article 4 o Grave Threat at Article 1 o alleged misused of confidential funds.

Sa naging press conference, binanggit ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Regie Tongol na kabilang sa mga inilistang testigo ng prosecution panel para sa article na ito ay si dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Ayon kay Tongol, mukhang ika-qualify ng naturang panig si Tang para maging ‘expert witness’.

Samantala, hindi rin daw niya batid kung makakapagpresenta na agad ang mga ito ng financial records ni VP Sara ngayong araw.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan naman na isang testigo lang ang isasalang ng prosecution panel dahil sa ipinapatupad na ‘one witness’, ‘one day rule’.

Kinumpirma rin ni Tongol na bagamat posible itong gawing ‘expert witness’ ay pupwede pa rin itong isalang sa cross examination ng defense team.