Ipinagbawal ng Senate impeachment court sa mga senator-judge at abogado ng prosekusyon at depensa ang pagtalakay sa merits ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa publiko.

Ayon kay presiding officer Senator Francis Escudero, layunin nitong mapanatili ang integridad ng paglilitis at maiwasan ang tinatawag na “trial by publicity.”

Dalawang strike ang ipatutupad sa lalabag. Sa unang paglabag, may matinding public reprimand at babala sa open court, habang ₱30,000 multa ang ipapataw sa ikalawang paglabag at sa mga susunod pa.

Maaari ring i-refer sa Office of the Bar Confidant, Integrated Bar of the Philippines o Supreme Court ang mga abogado para sa posibleng disciplinary action.

Samantala, hindi sakop ng ruling ang mga spokesperson ng magkabilang panig at malaya silang magsalita. Ipatutupad ang bagong patakaran sa mga pahayag na gagawin simula Agosto 26.

-- ADVERTISEMENT --