Nakatakdang magsumite ngayong araw ang House prosecution panel ng pre-trial brief sa Senate Impeachment Court kaugnay ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, nakapaloob sa dokumento ang buod ng mga kinikilalang facts, mga isyung dapat resolbahin, at mga mungkahing stipulations ng magkabilang panig.

Kasama rin dito ang listahan ng mga dokumento, ebidensiya at mga testigong ihaharap kaugnay ng mga alegasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.

Samantala, sinabi ni House Prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na nasa 25 testigo ang kasalukuyang ikinokonsidera ng prosecution panel, bagamat sasailalim pa ang mga ito sa pinal na pagsusuri.

Karamihan sa mga testigo ay may kaugnayan umano sa usapin ng paggamit ng confidential funds at iba pang alegasyon laban sa Pangalawang Pangulo.

-- ADVERTISEMENT --