
Isasagawa via Zoom ang sesyon ng House of Representatives sa Martes, Agosto 18, dahil sa inaasahang masamang panahon.
Ayon kay Secretary General Cheloy Garafil, work-from-home arrangement ang ipatutupad sa mga opisyal at empleyado ng Kamara, maliban sa mga kailangang pisikal na pumasok para sa mahahalagang operasyon.
Dahil dito, ipinagpaliban muna ang mga budget briefing ng House Committee on Appropriations at isasagawa sa ibang petsa.
Samantala, maaari ring isagawa online ang iba pang nakatakdang committee hearings, depende sa desisyon ng kani-kanilang chairperson.










