TUGUEGARAO CITY- Sinasanay ng Highway Patrol Group ang mga pulis na hahabol sa mga riding-in tandem criminals.

Sinabi ni PBGEN Eliseo Corpuz, director ng HPG, nagsasanay ngayon ang mga nasabing pulis sa paggamit ng high performce motorcycles na itatapat sa mga gamit ng mga riding-in tandem criminals.

Ayon kay Cruz, ang mga nasabing pulis ay kailangan na nasa lansangan lang upang kung may insidente ng pamamaril o iba pang krimen na kagagawan ng riding-in tandem ay agad silang makakaresponde.

Ayon kay Cruz, malaking pondo ang inilaan para sa mga high performance motorcycles para sa mas epektibong paglaban sa kriminalidad.

-- ADVERTISEMENT --