Nakauwi ng bronze medal si Angel Villagracia sa kanyang huling pagsabak sa 2026 Palarong Pambansa matapos lumaban sa kabila ng iniindang partial ACL tear sa kaliwang tuhod.

Target sana ng Western Visayas hurdler ang ikaapat na sunod na gintong medalya sa secondary girls’ 110-meter hurdles, ngunit naapektuhan ang kanyang ensayo matapos ma-injure noong regional meet nitong Abril dahilan upang hindi siya makapag-training nang halos dalawang linggo.

Sa final race, nagtala si Villagracia ng 14.57 segundo upang masungkit ang bronze medal, kasunod nina Lhynette Libranda na nagwagi ng gold sa oras na 14.04 segundo at Angelica Belandres na nakakuha ng silver matapos magtala ng 14.44 segundo.

Sa kabila ng kabiguang makuha ang inaasam na four-peat title, sinabi ni Villagracia na nananatili siyang nagpapasalamat dahil nakapag-uwi pa rin siya ng medalya sa kanyang huling Palaro appearance.