
Nagdagdag ang Pilipinas ng dalawa pang bronzeng medalya sa 2026 Asian Games noong Linggo sa tulong nina John Cabang Tolentino sa athletics at ng Sibol Pokémon UNITE team.
Pumangatlo ang Olympian na si Cabang Tolentino sa men’s 110m hurdles gamit ang kanyang season-best na 13.48 segundo upang dalhin sa 12 ang kabuuang medalya ng bansa.
Nagkasya rin sa tanso ang Sibol Pokémon UNITE team matapos magapi ng Indonesia sa semifinals.
Sa iba pang larangan, pumang-apat ang weightlifter na si Kristel Macrohon sa women’s 69kg division habang yumukod naman ang Alas Pilipinas Men sa South Korea.
Nagwagi naman sa tennis ang tambalang Francis Alcantara at Shaira Rivera laban sa katambal mula sa Iran.
Nakatakda namang simulan ni Alex Eala ang kanyang kampanya ngayong Lunes habang sigurado na sa tanso ang sepak takraw women’s team.










