Inihayag ni Senator Risa Hontiveros na may iba pang biktima umano ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy ang handang tumestigo sa Senado.

Sinabi ni Hontiveros na pahaharapin nila si Quiboloy at kanyang mga kapwa niya akusado sa Senado.

Matatandaan na sinabi din ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo na nangangalap sila ng karagdagang mga testimonya at ebidensiya matapos na lumapit sa kanila ang mga bagong biktima na nagsiwalat ng kanilang nakakakilabot na pang-aabuso umano sa kanila ni Quiboloy.

Sinabi ni Fajardo na sinasabi umano ni Quiboloy sa ilang biktima na may edad 12 hanggang 13 na sila ay mananatiling dalisay dahil ang kanilang nakatalik ay ang espiritu ng Diyos.

Kahapon ay nagpasok ng not guilty plea si Quiboloy at apat na kapwa niya akusado sa kasong child at sexual abuse at human trafficking.

-- ADVERTISEMENT --