Muling nagmartsa ang iba’t ibang grupo sa tanggapan ng Chinese Embassy sa Makati kahapon.

Ito’y kasabay ng ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kabilang sa mga nakiisa ang grupong Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya Filipinos Do Not Yield o FDNY movement.

Ayon sa grupo, kinokondena nila ang umano’y patuloy na agresyon ng China sa maritime territory ng Pilipinas.

Iginiit ni FDNY Movement Spokesperson Giselle Albano, na dapat umiral ang respesto sa naging desisyon ng international tribunal sa usapin.

-- ADVERTISEMENT --

Suportado naman ng mga grupo ang mga hakbang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa isyu sa WPS.

Sa demonstrasyon ng mga grupo, pinunit, hinagisan ng itlog, inapak-apakan at sinunog ng iba’t ibang grupo ang larawan ni Chinese President Xi Jinping.

Iginiit ng mga grupo na magpapatuloy sila sa paglulunsad ng pagkilos hanggat hindi humuhupa ang tensyon kaugnay ng usapin at ilalaban umano nila ang karagatang sakop ng Pilipinas.