Ipinasa na ng International Criminal Court (ICC) Registry sa ICC Presidency ang mga inihaing kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang iba pang records ng kaso.

Kabilang sa ipinasa ang listahan ng mga dokumento, transcripts ng pagdinig, at mga ebidensyang isinumite sa korte.

Sa susunod na hakbang, bubuo ang ICC Presidency ng Trial Chamber na binubuo ng tatlong hukom na hahawak sa kaso.

Ang Trial Chamber ang magtatakda ng petsa ng paglilitis, mag-aayos ng mga proseso, at tatalakay sa mga paunang isyu tulad ng paglalabas ng ebidensya.