Ipinagdiriwang ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang ika-124th Police Service Anniversary.

Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, sumasalamin ito sa isang makasaysayang yugto sa mahigit isang siglo ng pagsubok, pagbabago, at tagumpay sa pagpapatupad ng batas sa bansa.

May temang “Pulisya, Bantayog ng Bayang Matatag,” kung saan tampok sa selebrasyon ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Guest of Honor and Speaker.

Kasunod nito, hinihimok ni Torre ang kanyang kapwa pulis na manatiling matatag sa gitna ng anumang isyu o batikos.

Aniya, dapat laging nakatuon sa misyon ang bawat miyembro ng PNP at gampanan ang tungkulin nang may puso, integridad, at tapang.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin pa nito na bawat hakbang ng Pambansang pulisya ay dapat sumasalamin sa pagkakaisa bilang isang PNP at laging handang maglingkod para sa bayan.