
Nanawagan ang ilang tricycle at taxi driver na maisama sila sa benepisyaryo ng P12 kada litrong fuel subsidy na nagsimula nang ipatupad.
Ayon sa mga driver, malaking tulong ang diskuwento sa kanilang araw-araw na operasyon lalo’t patuloy na mataas ang presyo ng diesel at gasolina.
Suportado rin ng transport group na MANIBELA ang panawagan na palawakin ang programa para sa lahat ng public utility vehicle o PUV driver.
Samantala, inaasahan ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Posibleng tumaas ng ₱4 hanggang ₱4.50 kada litro ang diesel at ₱2.50 hanggang ₱3 naman ang gasolina.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon sa LTFRB, maaaring makatipid ng nasa ₱1,800 kada linggo ang mga kwalipikadong PUV driver dahil sa P12 kada litrong fuel subsidy.










