TUGUEGARAO CITY- Nais na umano ng ilang overseas Filipino workers sa Mozambique sa South Africa na umuwi ng bansa dahil apektado na rin umano ang kanilang kita dahil sa covid-19 pandemic.
Sinabi ni Robert De Guzman, tubong San Carlos, Pangasinan, isang guro at presidente ng Filipino Community sa Mozambique na kung may ibibigay na ayuda sa kanila ang Pilipinas para sa repatriation ay nais na rin nilang umuwi.
Ayon sa kanya, nabawasan kasi ang kanilang sahod ng 50 percent matapos na magsara ang kanilang pinapasukang eskwelahan.
Sinabi na nagsara ang mga eskwelahan at ilang establishments sa Mozambique bilang pag-iingat sa kabila na walo pa lang ang kaso ng covid-19 sa nasabing bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni De Guzman na may 30 OFWS ang na-repatriate nitong Marso sa tulong ng kumpanya na kanilang pinapasukan.
Samantala, sinabi ni De Guzman na binabalangakas na mga otoridad doon ang mga protocols para sa transportasyon dahil sa siksikan ang mga sumasakay sa mga ito.
Ang takot ng Mozambique sa ganitong sitwasyon ay tiyak na mabilis na kakalat ang covid-19 kung may isa lang na magkakaroon ng nasabing virus.
Sinabi niya na bukas pa naman ang mga paliparan sa Mozambique subalot hindi pinapayagan na makapasok ang mga galing ng bansa na may kaso ng covid-19.
May mahigit 300 na OFWS sa Mozambique na karamihan sa kanila ay mga guro sa mga pribadong eskwelahan.