Pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na huwag isama ang ilan sa kanilang programa sa spending ban para sa May 2025 elections.

Sa inilabas na resolution, inaprubahan ni Comelec chairman George Erwin Garcia ang rekomendasyon ng law department sa kahilingan ng DOLE na huwag isama sa spending ban ang mga sumusunod na programa:

Special Program for Employment of Students (SPES) — P828,940,000
Government lnternship Program (GIP) — P807,716,000
JobStart Philippines Program (JSP) — P155,270,000
Adjustment Measures Program (AMP) — P218,722,000
Workers Organization Development Program (WODP) — P35,874,000
DOLE Integrated Livelihood and Emergency Program (DILEEP) — P2,242,967
Financial Assistance Program to Distressed Migratory Sugarcane Workers (MSWs) — P1,960,000
Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) — P85,262,000
EnTSUPERneur Program — P100,000,000

Sa ilalim ng Resolution No. 11060 ng Comelec, kailangan ang certificate of exemption para ipatupad ang mga aktibidad at mga programa sa social welfare projects habang umiiral ang public spending ban mula March 28 hanggang May 11, 2025.