
Ikinonsidera ni House Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima na maaaring sampahan ng obstruction of justice at harboring a fugitive ang ilang senador na umano’y tumangging isuko si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga awtoridad.
Ayon kay de Lima, hindi immune sa kaso ang mga mambabatas at maaari silang managot sa ilalim ng Revised Penal Code kung mapapatunayang lumabag sa batas.
Giit niya, kabilang sa maaaring maharap sa reklamo ang mga opisyal ng Senado na naroon sa gitna ng isyu, kabilang ang posibleng pananagutan ng Senate leadership.
Patuloy namang umiinit ang diskusyon sa legal na status ni dela Rosa kasunod ng mga insidente sa Senado at isyu ng arrest warrant mula sa International Criminal Court.









