
Nakatanggap ang Impeachment Court ng memorandum position paper mula sa Dean ng San Beda University School of Law na si Father Ranhilio Aquino.
Ayon kay Presiding Officer Chiz Escudero, base sa nakasulat sa Clerk of Court Advisory, maaaring tumanggap at magsaalang-alang ang korte ng position papers mula sa mga indibidwal na may sapat na kaalaman at eksperto sa usaping tinatalakay sa paglilitis.
Kabilang sa mga pasok dito ay ang mga miyembro ng academe, legal scholars at iba pang kwalipikadong experts.
Dagdag pa niya, kailangang ikonsidera ng korte ang mga punto na binanggit ni Father Aquino at dapat na mabigyan ng kopya nito ang mga senator-judges at maging ang magkabilang panig.
Samantala, matapos sumalang ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ngayong araw, inaasahang sina Atty. Karen Batu ng Office of the Ombudsman at si Atty. Gerardo del Rosario na ang haharap ngayong araw.




