
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) sa naganap na pagsabog sa tapat ng pasukan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.
Ayon sa DOJ, naganap ang insidente bandang alas-12:17 ng madaling-araw at hinihinalang dulot ito ng isang improvised explosive device o IED.
Agad namang rumesponde ang Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit upang magsagawa ng technical examination sa lugar.
Bagaam’t walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente, tiniyak ni MPD Spokesperson Police Major Philip Ines na iniimbestigahan nila ang ang pinagmulan, uri, at iba pang detalye kaugnay ng pagsabog.
Binigyang-diin naman ng DOJ na kontrolado na ang sitwasyon at nananatiling ligtas ang buong compound ng kagawaran.









