
Maaaring pahintulutan ng Quezon City government na palawigin ang kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo sa EDSA People Power Monument kung patuloy na susunod ang mga organizer sa itinakdang kondisyon ng kanilang permit.
Ayon sa Quezon City Department of Public Order and Safety, humiling ang INC ng apat na araw na permit ngunit isang araw lamang ang inaprubahan ng lokal na pamahalaan. Posible umanong ma-extend ito kung mananatiling bukas ang mga kalsada at mapayapa at maayos ang pagtitipon.
Tinatayang nasa 3,000 ang dumalo sa rally nitong Miyerkules, habang mahigit 2,000 pulis ang ipinakalat upang tiyakin ang seguridad sa lugar.
Samantala, sinabi ng NCRPO na pinalaya na ang apat na naaresto sa insidente noong Martes, kabilang ang bus driver na nakasagasa sa isang pulis, matapos umatras sa pagsasampa ng reklamo ang nasugatang opisyal. Patuloy namang iniimbestigahan ang tatlo pang indibidwal.










