Pumanaw na ang isa sa anim na magkakamag-anak na biktimang sakay ng isang puting SUV kasunod ng nangyaring self accident sa bayan ng Iguig, Cagayan nitong madaling araw ng Martes.
Kinilala ni PMAJ. Dolriech Patnaan, hepe ng PNP-Iguig ang biktima na si Bobot Mina, 53-anyos na nasawi habang ginagamot sa pagamutan.
Kabilang aniya si Bobot sa dalawang pasahero na isinugod sa pagamutan dahil sa matinding tinamong sugat sa kanilang katawan habang ang apat na iba pa ay nagtamo lamang ng minor injuries.
Sinabi ni Patnaan na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nang iniwasan nito ang isang tricycle sa bahagi ng national highway ng Brgy Minanga Norte.
Napasobra umano ng kabig sa manibela ang driver dahilan upang mag-ovesrshoot ang sasakyan sa palayan at bumaligtad.
Sinabi ni Patnaan na galing ang mga biktima sa kanilang kamag-anak sa bayan ng iguig at patungong Metro Manila para sana dumalo sa lamay ng kamag-anak na namatay.