Huli ang isang 32 anyos matapos maaktuhang gumagamit ng isang pinaniniwalaang shabu sa Brgy.Catotoran Norte, Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ni PCAPT Jessie Alonzo chief of police ng PNP Camalaniugan ang suspect na si alyas Juaning, residente ng brgy.Minanga camalaniugan at construction worker.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa isang concern citizen kaugnay sa napansin nitong kahina hinalang dalawang kalalakihan na gumagamit ng illegal na droga sa isang bunkhouse sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na pasado alas otso ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga kapulisan kung saan ang kasama ng suspek ay nagsilbing tagaman man sa labas at nang makita ang mga pulis na papalapit sa kanilang kinaroroonan ay agad itong tumakbo at tumakas.

Pagpasok aniya ng mga otoridad sa nasabing bunk house ay dito na naaktuhan at nahuli ang suspect na kasalukuyan ang paggamit nito ng hinihinalang shabu.

-- ADVERTISEMENT --

Nakumpiska ang nasa isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800 na nahati hati sa limang piraso at mga drug paraphernalias mula sa suspek.

Aminado naman si Juaning na gumagamit ito ng ipinagbabawal na droga habang hindi naman nito sinabi kung saan niya ito kinuha.

Sa ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tumakas na kasama nito.