Kinumpirma ng health officials sa Colorado ang pagkamatay ng isang adult matapos tamaan ng hantavirus, ayon sa pahayag ng Colorado Department of Public Health and Environment.

Nilinaw ng mga opisyal na walang kaugnayan ang kaso sa naunang outbreak ng hantavirus sa cruise ship na MV MV Hondius sa Atlantic.

Ayon sa mga awtoridad, karaniwang lumalabas ang naturang strain ng hantavirus sa Colorado tuwing ganitong panahon at iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng exposure.

Pangunahing naipapasa ang hantavirus sa pamamagitan ng rodents, bagamat posible rin itong maipasa sa tao sa bihirang pagkakataon at sa matagalang close contact. Maaari ring umabot ng anim na linggo ang incubation period nito.

Samantala, tatlo na ang nasawi sa outbreak sakay ng MV Hondius, habang umabot na sa walong kumpirmadong kaso at dalawang probable cases ang naitala ng World Health Organization.

-- ADVERTISEMENT --