Nasawi ang isang binata matapos na magpakamatay sa loob ng kanilang bahay sa Penablanca, Cagayan.

Kinilala ni PLT.Rosemarie Moreno deputy chief of police ng PNP Penablanca ang biktima na si Alyas Endong, 30 anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy.Mangga.

Lumalabas sa imbestigasyon, bandang hapon nang makauwi ang ama ng biktima na si Alyas Pijong sa kanilang bahay galing sa kanilang taniman nang makita nito na ang kanyang anak na nakabigti.

Agad naman na nagtawag ng tulong si Pijong sa kanilang mga kapitbahay upang maibaba si Endong ngunit nang maibaba na ito ay walay na itong buhay.

Napag alaman na mayroon na dating iniindang problema ang biktima at iba ang kanyang kinikilos matapos mapansin ng kanyang ama na ilang araw na itong hindi umiimik at laging nasa gilid lamang.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman matukoy ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng biktima dahil ayaw nitong magsabi ng kanyang problema habang wala ring nakikitang foul play sa nasabing insidente.