Nasawi ang isang 64 anyos na lalaki matapos na magpakamatay sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Kinilala ni PSSG James Caronan imbestigador ng PNP Claveria ang biktima na si Alyas Koset, negosyante, residente sa Calayan Island ngunit nangungupahan kasama ang kanyang live in partner sa nasabing bayan.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang concer citizen kaugnay sa nangyaring insidente sa Brgy.Centro Uno na malapit sa kanilang sementeryo.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakapag jogging pa umano ang biktima bago ang insidente at nagpadala pa ng mensahe sa kanyang live in partner na nasa trabaho at sinabing mag iingat ito lagi.

Dito na nagpakamatay ang biktima sa kanilang kusina gamit ang dalawang sintas ng sapatos na tinali niya sa mataas na bubong.

-- ADVERTISEMENT --

Agad aniyang nakita ng kanyang 15 years old na apo ang biktima at nagtawag ng tulong para maibaba ito.

Agad dinala sa pagamutan si Koset ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor habang wala namang nakikitang foul play sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay tuloy parin ang paghahain ng kaso sa taong nang scam sa biktima dahil nakapirma na ito bago pa man mangyari ang insidente.