TUGUEGARAO CITY- Mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang dalawang pulis na huli dahil sa iligal na aktibidad.
Nahuli si PSSGT. Jojimar Rodriguez, nakatalaga sa Bayombong, Nueva Vizacaya sa loob ng sabungan sa Cauayan City, Isabela.
Si SMSGT Fidel Ray Bugayon na nakatalaga sa Isabela Special Motorcycle Assistance Team ay nahuli naman sa entrapment operation matapos na kikilan ang tatlong motorista na kanilang hinuli dahil sa traffic violations.
-- ADVERTISEMENT --